What the mind can conceive, the body can achieve! Dream, Believe and do everything to make it happen!

Saturday, March 2, 2013

How's your day?

BOTO

Katatapos lang ng culmination program ng ABA Business week. Pumunta ako ng school hindi para umattend pero para lang bomoto, eleksyon din kasi sa araw na 'to.

Pero dahil sa walang ibang magawa eh umattend narin kami sa program. Awarding din yun ng house cup winners. Second lang kami pero 7,500 din yung cash kaya okay na.

TAMBAY

Lahat ng FM majors busy sa FS. Nagkakagulo sila sa study hall. Karamihan sa kanila binalik yung FS kasi hindi kontento yung teacher.

Lahat ng Accountancy students naman nagkukulong sa kanya-kanyang apartment para mag-aral. Hindi nga pumunta ng school ang karamihan. Kaya kami nalang din ang kumuha ng awards para sa club namin.

Bagot na kami. Ang hina naman talaga ng takbo ng oras kapag wala kang ginagawa. Habang yung iba naghahabol sa sobrang daming ginagawa. Syempre, napagdaanan din namin yun.

LIW-ALIW

Dahil sa hapon na pumuntang school, ayaw pang umuwi ng sobrang aga kaya nakapagdesisyon kaming kumain muna sa kainan na bago. Pag sinabing bago, bawal ang Gemini, Win-ann, Food Sheriff, Taps, Jollibee, McDonalds, Chowking, Greenwich, Mandarin at iba pa. Parang gusto namin ng totally bago this time. Hindi din naman kasi kami busy ngayon kahit graduating kami.

Habang naglalakad papuntang kanto, nadaanan kami ng ABA officers kung saan kadalasan close friends namin. Kaya, alam na!

Pinasama kami sa kanila at syempre sumama din kami para hindi na kami mag-effort mag-isip kung san talaga kami kakain.

Sa jeep papuntang kahit saan, ginawa akong proctor nina jane at chan. Bukas na kasi ang mockboard exam at kahit sa napakaliit na free time na yun kelangang mag-aral. Naka-abot kami ng 3rd page hanggang sa me Abreeza Gate.

AVAIL

Avail sa Gerry's Grill. Buti na lang nakalibre ako! 80 pesos lang kasi yung budget ko para sa dinner sa gabing yun. Salamat nalang at ang Presidente, bise Presidente, Secretary, Auditor at Treasurer ay kaibigan namin. Kahit na tinukso-tukso nila kami na dapat kaming magbayad, total pera naman ng organization yun, avail nalang kami ng avail. That's what friends are for talaga! :)

Pagod na pagod ang aura ng lahat maliban sa aming apat. Hiyang-hiya naman kami sa pagiging busy nila. Pero seriously, ilang araw na silang puyat. Graduating talaga sila! Eh, pano kami? Ga-graduate nang hindi nahihirapan? Well, since tatlong taon din naman kaming hirap na hirap, bawi na siguro ang taong ito.

Dahil sa binalik ng teacher nila ang FS nila, nakiusap ang Treasurer na magpatulong sa financial statements. Ayus yun ah! kaya after sa kain deretso kami sa apartment nila. Paraan narin yun para makapag-bonding kami. Matagal tagal narin kasi kaming hindi nagsasama kasi nga BUSY sila.

Akala mo hirap na hirap na kami ngayon ano?

Yun lang ang akala mo, pero yung totoo TULOG silang lahat. haha..