60-65-71
Hindi yan lotto digits kasi kulang diba? Hindi rin yan last two digits at syempre hindi yan edad ng F.A.C.E. Sa maniwala ka man o hindi grades ko yan sa Tax 2 subject. Nakakaawa. Nakakaawa talaga. Bukod sa magiging mantsa na naman ito sa Transcript of Records ko nanganganib ang pag-gradweyt ko. Naman! For the third subject na hinandle nya makaka line of 7 na naman ulit ako? Hindi naman ako Bobo kasi ang alam ko matalino ako! Hindi rin naman sa pagbubuhat bg sariling bangko' pero matalino talaga ako tanungin mo pa ang mga ka team ko sa Team Hilas:
Jane Rhallyn Fernandez
Christian Angelo Mariano
Kevin CaƱedo
Ralph Benjie Austral
Kahapon, maliban sa pag gawi sa mga food establishments eh nag aral kami. Nag aral kami sa Jaltan habang kumakain ng binignit. 25 pesos ang halaga nun at tatlo kaming nag share hindi dahil sa kahirapan kundi dahil sa pagmamahalan.
Nag-aral kami dun ng dalawang oras. sapat na yun kasi thories lang naman oinag-aralan namin. Baka kasi mg quiz na naman si sir Tax. pandepensa lang. See? Nag-aaral kami kahit hind inannounce na magku-quiz. Ganun kami ka takot! Baka kasi naman madagdagan na naman sa hilera ang mga bagsak ko. 72 lang kasi nun ako sa Prelims. Pero wag na wag kang mag-isip na bobo ako o tamad kasi nag-aaral talaga ako ng maigi. Hindi lang talaga ako ganun ka galing. Nakakatakot kasi ang mga twists at time limit sa Quizzes and exam. parang movie lang, marami talagang twists. Sa subject na 'to lalo na sa mga accounting subjects, BAWAL ANG TANGA! kundi lalagpak ka.
5 p.m. nag-decide ang tatlo na lumipat sa Merco kasi kakain daw sila kaya lumipat kami. Habang kumakain, nag-aaral parin kami. Ganun kami ka multi-tasker.
"Kriiiiiing..."
Nag'bell na naman. Grabe na naang kaba.
Nung naamoy na namin ang pabango ng titser namin mas kumaba. Grumabe pa talaga.
"Put away everything except your ballpens"
Boom! Me quiz nga talaga buti na lang nag-aral kami pero kinabahan talaga kami."
"pass the papers, face down!"
"do that in 7 minutes"
whoaaaaaaaaah ! dali-daling binaligtad ang papel, sinulat ang pangalan at muntikan ng nakalimutang isulat ang middle initial. At nagsalita pa talaga sya.
"don't forget to read the instructions CAREFULLY"
Binasa agad-agad ang instructions ng tatlo hanggang apat na beses para makasiguro.
NO ERASURES. NO ALTERATIONS. RIGHT MINUS WRONG.
Hanggang sa natapos ako sa pagsagot ahead of time. Hindi ko na nirebyu kasi baka magsisi ako. Hindi pa naman pwedeng mag-erase kaya final na talaga yun, useless kung babaguhin pa.
"2 minutes more"
Kinabahan talaga ako at umaasang sana pumasa man lang ako. Hindi kasi lumabas yung pinag-aralan namin pero analysis lang yung gamit ngayon.
"times up. pass to the center"
Kami pa talaga ang mag-chi-check.
Ewan ko kung sino nag-check nung saken pero guess what? Hindi ako bagsak! Yahooo!!! Salamat naman at naka 2 mistakes lang ako at dahil right minus wrong 4 points lahat ang bawas nun kaya 16/20 lang ako. Pero masaya na ako dun. Ang bait ni sir at yun yung quiz nya kahit mamatay kami halos sa kaba'
THANK GOD.
No comments:
Post a Comment