What the mind can conceive, the body can achieve! Dream, Believe and do everything to make it happen!

Friday, January 17, 2014

Dahil sa Limang Piso

kahit 8:30 akong gumigising, hindi naman talaga ako nali-late gamit ang super ninja moves ko, Ngayon Lang!


10 minutes bago mag 9:00.
sakto! me 15 minutes pa ako. ( kasi merong 5 minutes grace period )

palabas na sana ako ng kwarto ng ma-alala kong wala na pala akong pera. Kelangan ko pa naman sumakay ng tri-sikad kasi mali-late na talaga ako. Inisa-isa ko muna ang mga bulsa ko hanggang makalikom na ako ng:

4 pcs 1-peso coin.
4 pcs. 25 cents.

for a total of 5 pesos.

Abot langit ang saya ko! kaya lang wala na akong time mag-bunyi.
Dali dali akong lumabas sa kwarto sabay lock ng pinto. Paglabas ng gate, pumara ng trisikad sabay sabing, "RCBC lang kuya". Tumango si kuya. Ayos!

Di pa kami nakakarating ng RCBC ng me naalala ako at bigla akong nalungkot. Tinanggap ko na talaga sa sarili ko na mali-late ako. Hay naku! hindi pala black shoes yung naisuot ko. Ang masama pa, wala na akong perang pambayad ng trisikad. Kaya naman, binilisan ko nalang ang lakad pabalik ng boarding house at pabalik na naman ng RCBC. Katangahan nga naman!

9:17 na ng nakarating ako ng office. Sabay biro ng work mate ko, "nagbaha sa inyo an?"

Kung alam lang nya. Kung inagahan ko lang ang pagbangon. Kung inagahan ko lang ang pag-tulog kagabi. Kung nag-ipon lang ako ng maraming 5-peso coin. haaaay.
Magpa-utang ka naman manong oh!


P.S.
Nakapag-Lunch ako kasi nakatanggap na ako ng sweldo. At afford ko na rin sumakay ng tri-sikad kahit magdamag! :)

No comments:

Post a Comment