What the mind can conceive, the body can achieve! Dream, Believe and do everything to make it happen!

Thursday, May 19, 2016

Ordinary Night

Malalim na ang gabi. Tulog na halos ang mga kapitbahay naming pagod sa isa na namang araw na nagdaan. Pero heto ako, iniinit na naman ang tubig sa takure na nilamig na ng oras. Nanood ng mga palabas sa tv sa papalit palit na channel na pinipili ng kapatid kong lalaki habang nakaharap sa mga libro nyang calculus habang ako’y nkaharap din sa isang vellum board at nag iisip kung ano ang nais i-guhit. Ganito nagtatapos ang gabi ng aking pamilya habang sa amin nag uumpisa pa lang, naiiwan kaming gising ng kapatid ko na pinaglihi yata sa kuwago dahil madaling araw na natutulog.
Dati, halos nakakatulog akong hawak ang cellphone ko dahil sa dami ng katext na kakwentuhan. Ngayon, madalang na akong ngpapaload. Aral-guhit na lang ang panapos ng aking gabi. Dami ng nagbago.

Tumunog na ang takure” hudyat na kumukulo na ang tubig. Timplado na ang kape ng nilapag ko sa lamesa sabay sabi ng kapatid ko, “akin ba ‘to?”. Umandar na naman ang pagka batugan ng batang to. Nag umpisa na akong gumuhit, nakalimutan kong may kape pala ako. Mainit init pa ito nung hinawakan ko, “pwede pa to”. Nagiging blangko kasi ang utak ko pag gumuguhit. Ito na siguro ang pinakagusto kong libangan. Lahat ng nasa isip nawawala at naibabaling lamang ang pokus sa ginagawa.

Mapait na may konting tamis. Masarap naman pero hindi na mainit. Tama lang ito para mahigup ng malaya sa walang pangambang mapapaso ka. Ilan taon na ba akong ngtitimpla ng kape? Parang di ko pa tantya ang timpla ko. Bawat baso ay may kakaibang lasa. Minsan sobrang pait, sobra sa tamis o kulang sa tubig. Pero kahit anong lasa, naiinom parin naman. Hindi naman kasi sa lasa yan kundi sa pakiramdam lang na nakapag kape ka. Hindi naman ako naapektuhan ng kape kasi kahit ilang baso maubos ko nakakatulog parin naman ako.

Chineck ko ang cellphone ko at gaya ng dati walang text o kahit GM man lang. Pero hindi naman text yung chineck ko kundi yung oras. Minsan kasi hindi ko na namamalayan ang oras umaga na pala.
Ganito ang buhay summer. Walang pasok. Nakapahinga yung mukha ko sa mga tagiyawat kasi swerte na kung nakaka limang oras na tulog sa isang araw.

Hindi pa pala ubos ang kape ko ng tiningnan ko pero nilanggam na ito. Kahit may halong pait na-amoy parin nila ang tamis.

No comments:

Post a Comment